1,573 indibidwal, pasado sa physician licensure exam

1,573 indibidwal, pasado sa physician licensure exam

March 17, 2023 @ 8:57 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Marso 16, na nakapasa ang 1,573 sa 2,887 na kumuha ng Physician Licensure Examination ngayong buwan.

Nanguna dito si Aira Cassandra Suguitan Castro mula sa Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte, sa score na 89.00 percent rating.

Sinundan naman ito ni Philip Patrick Petelo Lee mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa score na 88.58 habang pumangatlo si Johanna Wileen Go mula sa University of Santo Tomas sa 88.25 percent rating.

Sa pagsusulit ngayong taon, UST ang itinanghal na top performing school sa pagkakaroon nito ng 51 sa 61 takers na pumasa sa licensure exam. RNT/JGC