158 bagong kaso ng COVID naitala

158 bagong kaso ng COVID naitala

February 19, 2023 @ 8:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 158 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa nitong Sabado, Pebrero 18.

Ito ang iniulat ng Department of Health, kung saan ang aktibong kaso ng sakit ay tumaas sa 9,188.

Maliban dito, tumaas din sa 4,075,324 ang total nationwide caseload ng COVID-19.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa 445, sinundan ng Calabarzon sa 212, Davao Region sa 168, Western Visayas sa 100, at Central Luzon sa 69.

May karagdagang 45 indibidwal namanang gumaling mula sa sakit na nagdala sa total recovery na 4,000,128, habang ang death toll naman ay umakyat sa 66,008.

Nitong Biyernes, Pebrero 17, ang national bed occupancy ay nasa 16.9%, na may 4,299 kama na okupado at 21,134 vacant beds. RNT/JGC