158 pang PNP personnel may COVID

158 pang PNP personnel may COVID

January 25, 2022 @ 11:56 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng 158 positibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahilan para umabot na sa 2,730 ang aktibong kaso.

Base sa datos ng PNP, nakapagtala na ng 47,465 COVID-19 cases organisasyon buhat nang magsimula ang pandemya, kung saan nasa 44,609 naman ang gumaling at 126 ang nasawi.

Sa kabilang banda, nasa 217,616 (96.62%) ng PNP personnel ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 6,615 (2.94%) ang nananatiling naghahantay pa na maturukan ng ikalawang dosage. Nasa 74,349 (34.17%) naman na ang nakatanggap ng booster shots.

Ayon sa PNP, 1,032 (0.46%) personnel have yet to be vaccinated ang hindi pa nabakukunahan. RNT