15K bagong kaso ng COVID sa Pinas, naitala mula Setyembre 5 hanggang 11

15K bagong kaso ng COVID sa Pinas, naitala mula Setyembre 5 hanggang 11

September 12, 2022 @ 7:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 15,379 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Setyembre 5 hanggang 11, 2022.

Ito ay 10% mas mababa sa mga nagdaang linggo ayon sa Department of Health.

Kung babalikan, nakapagtala ng 17,145 na bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Bumaba rin umano ang daily case average kumpara noong mga nagdaang linggo mula sa 2,449 na ngayon ay 2,197 na lamang.

Sa kaugnay na balita, iniulat rin ng DOH na mayroon nang 72,770,721 o 93.18% ng target na populasyon ng pamahalaan na mabakunahan. RNT/JGC