Toni Gonzaga, pinakakasuhan sa BI sa pagbebenta ng ‘unauthorized’ product

January 15, 2021 @8:00 PM
Views:
145
Manila, Philippines — Hinikayat ng non-profit advocacy group ang Bureau of Immigration (BI) na magsampa ng kaso laban sa vlogger at social media influencer sa pagbebenta ng cosmetic product na hindi awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa ulat, sumulat ang Action for Consumerism and Transparency in Nation-Building (ACTION) sa National Bureau of Investigation at FDA patungkol dito.
“One company which the FDA should go after is TGWW (Toni Gonzaga, Winnie Wong) Everyday Lifestyle Corporation, which is partially owned and operated by a Taiwan passport holder, Winnie Wong, whose real name is Yun-I Wang,” saad ni Vito Gaspar Enrico Silo, secretary-general ng grupo.
Naunang nagbabala ang FDA sa publiko sa pagbili ng POUF! Everyday Cologne Spray na nabibili sa online sa pangunguna nila Wong at aktres na si Toni Gonzaga dahil sa wala pa itong lisensya.
“The media discovered that TGWW is operating without an FDA License (they are only registered to sell notebook, bags, and toiletries) and that they are using Wong’s home address… as the base of operations,” saad sa liham.
“Lastly, Ms. Yun-I was also the subject of criticism from netizens for labeling President Duterte as ‘useless.’”
“Attorney, the media also said that Yun-I is here on a special investor’s visa. We would like to know: Does this allow her to sell cosmetic products online without bothering to secure FDA certification? Does her visa also allow her to take in jobs or projects here as endorsers for local brands?
“More importantly, is a foreigner allowed to engage in political activities, including making unfair criticisms against the President of the Philippines?” lahad pa nito.
“If the answer is in the negative, we would like to appeal to the Bureau of Immigration to commence appropriate charges against her. We owe it to the public to correct whatever wrongdoings committed by any foreigner living in our country.” RNT/FGDC
92% ng establisimyento sumusunod sa COVID-19 protocols — DOLE

January 15, 2021 @7:51 PM
Views:
108
Manila, Philippines – Tinatayang 92% ng establisimyento sa nainspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakasunod sa protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.
“So, kahit po sa initial assessment po natin ay mga paglabag, after po na matulungan po natin sila, ay nagkusa na rin po silang sumunod sa ating mga ipinapatupad na protocols,” saad ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa briefing.
“Pero mayroon din po tayong mga employer at mga negosyo na talagang medyo matitigas din po ang ulo, mayroon po tayong mga nakatakdang multa para po sa kanila.”
Ang mga lalabag aniya ay maaaring magmulta ng hanggang P100,000 sa bawat araw na paglabag.
“Hindi po kami mapapagod na paulit-ulit pong paalalahanan ang lahat lalung-lalo na ang ating mga kababayang manggagawa na patuloy pong mag-ingat sa mga opisina at pagawaan, patuloy pong i-observe natin iyong minimum health protocols,” paalala pa ni Benavidez.
“Kailangan po natin ang isang malinis, ligtas, at malusog pong mga pagawaan.” RNT/FGDC
Epekto ng COVID vaccines matagal pa bago mapatunayan — DOH

January 15, 2021 @7:42 PM
Views:
132
Manila, Philippines – Nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matagal pa ang guguguling panahon COVID-19 vaccines upang matukoy kung ito ay epektibo.
“For the information of everybody, wala pa pong makakaalam kung magiging epektibo ang bakuna o hindi. Hindi pa po malalaman sa ngayon na nasa initial vaccination pa lang [ang ibang mga bansa],” lahad ni Vergeire.
“Whatever other countries are doing right now…kapag nagpapabakuna sila, iyong pong effectiveness ng isang bakuna will depend on its outcomes on the population. It will take long; hindi po natin agad makikita if it is effective or not.”
“Kahit effective siya sa ibang bansa, kailangan pa rin natin ito idaan sa ating regulatory process,” dagdag pa nito.
Kasalukuyang Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine pa lamang ang nabigyan ng FDA ng emergency use authorization (EUA). RNT/FGDC
14 lindol, 36 rockfall naitala sa Mt. Mayon; alert level 1 pa rin

January 15, 2021 @7:31 PM
Views:
128
Manila, Philippines – Patuloy pa ring binabantayan ang Mt. Mayon dahil sa ilang pagyanig na naitala, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).
Sa datos, 14 volcanic earthquakes at 36 rockfall events na ang naiulat mula Jan. 1 hanggang 15.
“A crater glow is also observed on (the) summit at night time,” lahad ni Dr. Paul Karson Alanis, senior science research specialist and officer in charge sa Lignon Hill Mayon Volcano Observatory station sa Legazpi City.
Nananatili naman sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon. RNT/FGDC
17.55B litro ng krudo namarkahan nitong 2020 sa fuel marking program

January 15, 2021 @7:20 PM
Views:
114
Manila, Philippines – Sa kabila ng pagbagal ng ekonomiya dulot ng nararanasang pandemya sa bansa, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na nakakolekta sila ng may P109.36 bilyon habang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakakolekta ng P21.81 bilyon buwis mula sa kabuuang 15.69 bilyon litro ng krudo na minarkahan sa ilalim ng Fuel Marking Program nitong taon 2020.
Ayon sa BOC, nakapagmarka ang BOC at BIR sa pakikipagtulungan sa kanilang partner na SGS Philippines at SICPA-SA ng may 17.55 bilyon litro ng gasolina mula Setyembre 4, 2019 hanggang Disyembre 31, 2020 kung saan may katumbas itong P147.78 bilyon buwis sa Customs at P23.94 bilyon buwis sa BIR sa ilalim na din ng Fuel Marking program.
“It is also worthy note that significant increase in volume declarations in gasoline, diesel and kerosene were observed through the implementation of the Fuel Marking Program,” saad ng BOC.
Noong 2017 at 2018, ang kabuuang dami ng mga deklarasyon ay 7.75 bilyong litro at 6.31 bilyong litro ayon sa pagkakasunod kung saan nakakolekta ng buwis na P26.88 bilyon at P39.79 bilyon.
Sa 2019, ang kabuuang dami ng deklarasyon ay nasa 11.16 bilyong litro o pagtaas ng 77 porsyento mula sa nakaraang taon. Ito ay may katumbas na P111.18 bilyon o pagtaas ng 179 porsyento ng mga tungkulin at buwis na nakolekta para sa gobyerno.
“Diesel comprises 61.54 percent of the total volume marked, followed by Gasoline with 37.93 percent and Kerosene with 0.53 percent. As to location, 74.08 percent of the marking was in Luzon, 20.92 percent in Mindanao and 5 percent in Visayas,” paliwanag ng BOC.
Samantala, sa taong 2021 naman ay pinaghahandaan na ng BOC at BIR ang pagpapatupad sa Field Testing phase ng programa kung saan ang diesel, gasolina at petrolyo sa mga retail station, tank trucks, vessels, depot at warehouse ay isasailalim sa pagsusuri bilang pagsunod sa ilalim ng Fuel Marking Program. JAY Reyes
Loading...