15M kabataang edad 5-11 target na bakunahan vs COVID

15M kabataang edad 5-11 target na bakunahan vs COVID

February 2, 2022 @ 7:41 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 15 milyong kabataan edad lima hanggang 11 laban sa COVID-19.

Matatandaang inanunsyo ng gobyerno na magsisimula na sa Pebrero 4 o sa Biyernes ang pediatric vaccination sa nasabing age group.

“Sa February 4 maguumpisa tayo sa ilang ospital kagaya din nung ginawa natin nung 12 to 17 (years old). Inuna natin ang mga batang may comorbidity o immunocompromised dahil sila talaga ang high-risk,” ani health undersecretary Ted Herbosa sa interbyu sa Teleradyo.

“Immediately after tuloy-tuloy yan nationwide na babakunahan ang (we will vaccinated nationwide children) 5 to 11 years old,” dagdag pa niya.

Ipinaalala naman ni Herbosa na lahat ng edad 5 hanggang 11 ay welcome na magpabakuna.

Pero ang mga may preexisting medical condition ay kinakailangan ng medical certificate mula sa kanilang mga doktor.

“Usually parang matamlay ang bata. Puwede magkalagnat o sinat at pwede namang bigyan ng paracetamol,” paaalala naman ni Herbosa ukol sa posibleng side effect.

“Babantayan niyo lang after a day or so okay na ulit ang bata, maglalaro-laro na yan.” RNT