16.5K pamilya apektado kay #KardingPh – NDRRMC

16.5K pamilya apektado kay #KardingPh – NDRRMC

September 27, 2022 @ 2:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa 16,476 pamilya o 60,817 indibidwal ang apektado ng  Super Typhoon Karding (Noru) na humagupit sa  Luzon, araw ng Linggo.

Sa pinakabagong situation report ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na ang nasabing bilang ng pamilya ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol at Cordillera Administrative Region

Bukod dito, may 12,352 pamilya o 46,008  katao ang nananatiling nagkakanlong sa  976 evacuation centers  habang ang natitirang bilang ay bumalik na sa kanilang tahanan o tinutulungan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Mayroon namang naitalang  74 insidente  ng pagbaha. 70 sa Central Luzon habang apat naman sa Calabarzon. Kris Jose