16-anyos ginahasa ng bf, ipinasa sa 2 tropa

16-anyos ginahasa ng bf, ipinasa sa 2 tropa

January 11, 2021 @ 1:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

NUEVA ECIJA – Isang 16-anyos na grade 9 student ang umiiyak na dumulog sa tanggapan ng pulisya upang ireklamo ang tatlong lalaki na humalay sa kanya, kabilang ang kanyang nobyo, sa Purok 4, Barangay San Cristobal, Licab, nitong Sabado.

Kinilala ni acting chief of Police, Cpt. Lauro Ad Puno ang mga inireklamong suspek na sina Nathaniel Dela Cruz, boyfriend ng biktima; Joseph Esguerra at Francis Ngangac, kapwa kaibigan ni Nathaniel.

Habang ang biktima ay itinago naman sa pangalang Nene.

Sa imbestigasyon ni PEMS Engracia L. Cordova, may hawak ng kaso, ganap na 1:00 ng umaga nang mangyari ang nasabing panghahalay sa biktima.

Ayon sa report, nangyari ang insidente habang ang biktima ay nasa impluwensya ng alak, mula sa bahay ng isang nagngangalang Helen Esguerra.

Ang una umanong humalay sa biktima ay ang kanyang nobyo na si Nathaniel at pagkatapos ay sumunod naman ang dalawang barkada nito.

Sa panayam ng Remate News Online kay Puno sa isang text message, aniya ay na-inquest na noong Sabado ng gabi ang mga suspek at ngayong araw ay dadalhin sa prosecutors office.

“Actually ma’am ‘yong Nathaniel boyfriend ng bata.. inamin ng boyfriend n’ya sa amin na nagalaw n’ya.. at nang umalis ‘yong bf para raw bumili  ng sigarilyo.. sabi ng victim, du’n na siya halinhinang ginalaw ng dalawang kasama ng bf n’ya,” dagdag pa ni Puno.

Kaagad namang naaresto ang mga suspek at ngayon ay nasa pangangalaga ng Licab Police Station. Elsa Navallo


  •  
  •  
  •  

Loading...