Quezon City – Swak sa kulungan ang isang 16-anyos na babaeng drug pusher matapos maaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga Hulyo 12, 2018 (Huwebes).
Ang nadakip na suspek na 1st. year high school student, menor de edad ng Brgy.Culiat, Quezon City.
Nabatid sa ulat ng Quezon City Police District station 3 Talipapa nadakip ang suspek dakong alas 8:00 ng umaga nitong nakalipas na Hulyo 12, 2018 sa kahabaan ng Banlat Road, Brgy. Tandang Sora, QC.
Sa ulat na nakarating kay Supt. Alex De Jesus Alberto hepe ng QCPD Station-3 Talipapa, nagsagawa umano ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Talipapa station 3 laban sa suspek at nakabili ng droga na nagkakahalaga ng P500.00 ng shabu ang isang poseur buyer ng mga pulis.
Nagpanggap na poseur buyer ang isang RapRap na ginamit ng mga pulis para makabili ng droga sa suspek.
Matapos makabili ng droga sa suspek agad nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis sa pangunguna ni Police Inspector Jesus S. Mason Jr., na naging dahilan sa pagkakadakip nito.
Nakuha sa suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 40.000.
Agad dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at nakatakdang dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon. (Santi Celario)