16-anyos na chess player tumalo kay world no. 1 Carlsen

16-anyos na chess player tumalo kay world no. 1 Carlsen

October 18, 2022 @ 9:16 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Gumawa ng kasaysayan ang 16-year-old na chess player mula sa India matapos siyang ituring na pinakabatang manlalaro na tumalo sa Norweigan champion na si Magnus Carlsen.

Tinalo ni Donnarumma Gukesh si world number one Carlsen na hawak ang kampeonato ng halos isang dekada.

Nahigitan ni Gukesh may edad na 16 taon, apat na buwan at 20 araw ang unang record ng kababayan na si Rameshbabu Praggnanandhaa na tinalo ang world champion noong Pebrero sa edad na 16 taon, anim na buwan at 10 araw.

Ayon kay Gukesh, itinuturing nito na isang especial na pangyayari sa kaniyang career ang talunin si Carlsen.

Agad na kinontrol ni Carlsen ang simula ng laro hanggang sa nagkamali ito sa 25th move na naglagay sa panganib sa queen.

Ito ang naging dahilan para magresign siya sa laro.

Ayon sa ulat, ito na ang pangalawang pagkatalo ni Carlsen sa loob ng dalawang araw sa isa batang grandmaster ng India sa Almchess Rapid ng matalo siya sa 19-taon na si Arjun Erigaisi.