16 anyos nanganak ng quadruplets

16 anyos nanganak ng quadruplets

April 28, 2022 @ 7:44 AM 2 months ago


SANTIAGO CITY – Laking gulat ng mga nagpaanak sa isang 16 anyos na dalagita na nanganak ng quadruplets o apat na sangol dito sa nasabing lungsod.

Ayon kay ginang Lorena Cacayan, tiyahin ng menor de edad, na labis silang nalungkot dahil hindi pinanindigan ng kanyang kasintahan ang kanyang pamangkin.

Tanging si Ginang Cacayan ang nagsisilbing ina na umaalalay sa kanyang pamangkin dahil ang ang dalagita ay ulila na sa ama at ang kanyang ina ay nasa ibang bansa.

Dahil dito umaapela sa kinauukulan dahil nangangailangan sila ng malaking halaga na pambayad sa ospital at mga gamot maging ang pagtustus nila sa pangangailangan ng apat na sanggol.

Kasalukuyan ngayon naka-incubate ang quadruplets.

Dahil dito, umaasa si Ginang Cacayan na magiging malakas ang kanyang pamangkin at apat nitong sanggol na malulusog. Rey Velasco