16 barangay sa Caloocan, Valenzuela 14 oras mawawalan ng tubig

16 barangay sa Caloocan, Valenzuela 14 oras mawawalan ng tubig

October 5, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Maynilad Water Services, Inc. na tatlong barangay sa Caloocan at 13 barangay sa Valenzuela ang posibleng mawalan ng tubig sa loob ng halos 14 na oras ngayong Miyerkules, Oktubre 5.

Ayon sa Maynilad, dakong 8:20 a.m. ng nasabing petsa mararanasan ang mababagn pressure o tuluyang kawalan ng tubig sa mga apektadong lugar dahil sa emergency facility repair sanhi ng pagkawala ng kuryente sa La Mesa Pumping Station.

Sa Caloocan ay mawawalan ng tubig sa Barangay 165, 166, and 167; habang sa Valenzuela ay maaapektuhan ang Barangay Bagbaguin, Bignay, East at West Canumay, Gen. T. De Leon, Lawang Bato, Lingunan, Mapulang Lupa, Maysan, Parada, Paso De Blas, Punturin, at Ugong.

Humingi na rin ng paumanhin ang Maynilad dahil posibleng 11 ng gabi pa ng nasabi ring araw bumalik ang suplay ng tubig sa ilang apektadong lugar sanhi ng iba’t ibang dahilan gaya ng layo sa pumping station. Merly Iral