16 na menor de edad na rescue sa bahay aliwan

16 na menor de edad na rescue sa bahay aliwan

August 3, 2018 @ 11:24 AM 5 years ago


 

 

Laguna – Sinalakay ng mga tauhan ng Calamba City PNP ang isang bahay aliwan kung saan na-rescue ang 16 na kababaihan na pawang menor de edad kaninang madaling araw (August 3) sa Calamba, Laguna.

Sa isinagawang entrapment and rescue operation ng mga awtoridad, nadakip ang anim pang indibidwal dahil sa paglabag sa RA 9208 o “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003”.

Kinasa ang operasyon dakong 12:30 ng madaling araw sa pangunguna ni P/Supt.Gemma C. Vinluan ,AC,LFU,WCPC-DIDM ,kasama ang Laguna PIB sa pangunguna ni P/Chief Insp. Ricky Dalisay at ang resentative ng Calamba DSWD Mrs. Edna Mancera. Ellen Apostol