16 pasahero ligtas sa lumubog na bangka sa Rapu Rapu, Albay

16 pasahero ligtas sa lumubog na bangka sa Rapu Rapu, Albay

October 14, 2022 @ 7:04 PM 2 months ago


ALBAY – Ligtas ang lahat ng labing-lima na pasahero ng motorized banca kabilang ang kapitan na lumubog sa dagat na sakop ng Rapu-Rapu Island sa Albay nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 14.

Sa ulat ng Rapu-Rapu Police, nailigtas ang lahat ng sakay ng lumubog na bangka na “Rocenz 3” ng mga tripulante ng isang vessel na napadaan sa lugar.

Ayon kay Capt. Philip Nathaniel San Buenaventura, officer-in-charge ng Rapu Rapu police, nagkaroon ng problema sa makina ng bangka at hinambalos pa ng malalaking alon.

Nang makatanggap ang PCG Sub-Station Rapu-Rapu ng tawag mula sa MV RLMC Ferry I kaugnay sa insidente ay agad na magtungo sa lugar para tulongan ang mga pasahero.

Ibinahagi ni boat captain, Rogelio Barcelona Jr., na habang naglalayag mula Barangay Batan patungong Poblacion Biyernes ng umaga nang masira ang makina ng motorbanca saka nakasalubong ang malalaking alon dahilan para ito ay lumubog.

Nasa maayos na ngayong kalagayan ang mga pasahero at crew at ibinyahe na pabalik sa Barangay Batan.

Samantala, hinila naman ng MV RLMC Ferry I ang nasirang motorbanca. Jocelyn Tabangcura-Domenden