Paksyon ni Digong, idineklara ng Comelec na lehitimong PDP-Laban

March 24, 2023 @9:06 AM
Views: 16
MANILA, Philippines- Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ng certificate of finality sa desisyon nitong Enero na nagdedeklara sa paksyon ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang totoo at opisyal na PDP-Laban party.
Tinutukoy ng poll body ang Comelec en banc resolution na pumapabor sa Duterte faction kaugnay ng kanilang petisyon laban sa PDP-Laban wing na pinamumunuan nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel III at dating Senador Emmanuel Pacquiao kung alin ang lehitimong PDP-Laban party.
Sinabi ng Comelec na ang parehong partido ay nasabihan na ukol sa nasabing resolusyon at ang pag-iisyu ng certificate of finality ay naaayon sa Rule 18 ng 1993 Comelec Rules of Procedure na nagtatakda na ang isang resolusyon ng Commission En Banc sa mga espesyal na paglilitis ay magiging pinal at executory pagkatapos ng 30 araw mula sa promulgation nito.
Sa kabila ng certificate of finality, may pag-asa pa umano dahil inakyat ni Pimentel ang laban sa Korte Suprema at hindi pa nareresolba ang kanyang apela.
“The certificate of finality issued by the Comelec regarding our dispute over the leadership of PDP-Laban is pro forma, automatic announcement based on its practice,” sabi ni Pimentel.
“The Comelec cannot, by its pronouncements, deprive the Supreme Court of jurisdiction to review its actions and decisions, especially when they are exposed to be whimsical, capricious, arbitrary or issued with grave abuse of discretion, such as the decision in this case,” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura.-Domenden
Hepe ng NegOr police, sinibak sa pwesto

March 24, 2023 @8:52 AM
Views: 20
BACOLOD CITY- Ni-relieve sa pwesto si Col. Reynaldo Lizardo, Negros Oriental police chief, epektibo nitong Miyerkules.
Ito ay tatlong linggo ang makalipas nang patayin si Gov. Roel Degamo, kabilang ang walong indibidwal, habang 17 ang sugatan, sa bayan ng Pamplona.
Base kay Lt. Col. Kym Lopez, tagapagsalita ng Negros Oriental police, si Col. Alex Guce Recinto ang hahalili kay Lizardo.
Ikakasa ang turnover of command ngayong Biyernes, batay kay Lopez.
Hindi naman binanggit kung saan itatalaga si Lizardo, o kung bakit siya inalis sa pwesto.
Itinalaga siya sa probinsya noong November 2022. RNT/SA
Eksperto sa publiko: 50M COVID vax, nakaambang mapanis; magpabakuna na!

March 24, 2023 @8:38 AM
Views: 25
MANILA, Philippines- Hinikayat ng isang eksperto sa kalusugan ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil aabot sa 50 milyon ang bilang ng COVID-19 vaccine wastage sa bansa sa pagtatapos ng Marso.
Ipinunto ni Iinfectious disease expert Dr. Edsel Salvaña ang malinaw at kasalukuyang panganib sa gitna ng pandemya ng COVID-19, at idinagdag na dapat protektahan ang mga mahihinang sektor.
“I think the problem talaga with the vaccines, hindi nakikita ng mga tao yung clear and present danger. Sa America nga yung uptake nila ng bivalent vaccine ngayon is about only 15% and so,” sabi ni Salvaña sa public briefing.
Aniya ang vaccine wastage ay problema din sa ibang bansa sa buong mundo.
“Yung mga ibang bivalent vaccines sa US sobra talaga nila na stockpile kahit nga nung pumunta ako noong October eh hindi naman ako US citizen tinurukan pa rin nila ako dahil nagrequest ako,” anang health expert.
Binigyang-diin ng eksperto ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na edukasyon sa publiko tungkol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19
Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mayroong humigit-kumulang 6.9 milyong bakuna na kasalukuyang “naka-quarantine” habang hinihintay ang mga vaccine manufacturers at ang Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang pagpapalawig ng kanilang shelf lives.
Sinabi rin ni Vergeire na ang bilang ng wastage ay maaring pumalo sa mahigit 60 milyon dahil sa vaccine hesitancy ngunit aniya ang DOH ay patuloy ang kanilang pagsisikap na palakasin ang vaccination program ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Pagpapaliban ng pag-isyu ng arrest warrant, inihirit ni Bantag

March 24, 2023 @8:24 AM
Views: 24
MANILA, Philippines- Naghain ng mosyon ang kampo ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag nitong Huwebes upang ipagpaliban ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
Batay sa ulat, binigyan ng korte ang prosekusyon ng 10 araw para magkomento.
Samantala, may 10 araw din si Bantag, umano’y mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at presong si Jun Villamor, para tumugon sa prosekusyon.
Inihayag ng Muntinlupa court na iginiit ng kampo ni Bantag na dapat munang resolbahin ng Department of Justice ang kanilang pending motion of reconsideration bago mag-isyu ng warrant of arrest.
Noong March 14, isinakdal ng DOJ panel of prosecutors sina Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta para sa two counts of murder sa pagpatay kina Lapid at Villamor.
Sinabi ng legal counsel ni Bantag na si Rocky Balisong, na maghahain sila ng “necessary pleadings” matapos pag-aralan ang resolusyon. RNT/SA
PBBM nagpasalamat sa suporta ng Malaysia, Brunei sa Mindanao

March 24, 2023 @8:10 AM
Views: 25