160% pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pasay City – OCTA

160% pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pasay City – OCTA

February 25, 2021 @ 7:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakakitaan ng 160 porsyentong pagtaas ng bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Pasay City ayon sa OCTA Research group.

Batay sa datos ng grupo mayroong 12.67 attack rate kada araw ang lungsod.

Samantala patuloy naman ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

“New cases in NCR are expected to increase at least in the short term,” ayon sa grupo.

Nakapagtala ng 1.32 reproduction rate ang NCR na mataas kumpara sa itinakdang 1 o mas mababa pa.

Ang Malabon, Manila, Makati, Taguig, Paranaque, at Marikina naman ay nakapagtala ng 40 porsyentong pagtaas ng mga bagong kaso kumpara sa nakaraang dalawang linggo.

Itinanghal namang “best performing” LGU ang Mandaluyong sa pagkontrol sa pagtaas ng kaso na sinundan ng Muntinlupa, Valenzuela, at Pasig. RNT/ELM


  •  
  •  
  •