1,600 bagong kaso ng COVID, naitala

1,600 bagong kaso ng COVID, naitala

September 21, 2022 @ 9:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naitala ng Pilipinas ang 1,600 bagong kaso ng COVID-19 kahapon, Setyembre 20 kung saan bumaba ito mula sa 3,119 ayon sa Department of Health o DOH.

Ang kabuuang kaso nitong Martes ay ang pinakamababa mula noong Setyembre 13 na may 1,574 na kaso.

Ang mga aktibong kaso ay bumaba din sa 27,257 mula 27,686 noong Lunes, Setyembre 19.

Ang kabuuang case load ngayon ay umakyat na sa 3,925,326.

Ang National Capital Region ang nananatiling may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 nitong nakaraang dalawang linggo na may 11,538, sinundan ng CALABARZON na may 4,088, Central Luzon na may 2,383, Davao Region na may 1,274 at Western Visayas na may 937.

May kabuuang 1,995 na bagong recoveries naman ang naitala kung kaya’t ang kabuoang bilang ng mga gumaling ay umakyat na sa 3,835,449.

Nakitaan naman ng mas maraming kaso sa nakalipas na limang araw kaysa bagong gumaling.

Sa bilang ng mga nasawi ay nakapagtala ng 33 bagong fatalities na nagdala sa kabuuang 62,620.

Ang rate ng bed occupancy ng bansa noong Lunes ay 27.8%, na may 7,905 na kama ang okupado habang 20,528 ang bakante.

May kabuuang 18,238 na indibidwal ang nasuri noong Lunes, habang 341 na testing laboratories ang nagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden