16,000 crablet nasamsam ng BFAR

16,000 crablet nasamsam ng BFAR

February 1, 2023 @ 8:30 AM 2 months ago


CAMARINES NORTE —Nasamsam ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 16,000 piraso ng mangrove crablets matapos maharang ang public utility bus sa isinagawang checkpoint ng mga awtoridad noong Linggo sa bayan ng Sta. Elena.

Ayon sa mga tauhan ng Tabugon quarantine and monitoring station, nadiskubre na walang kaukulang dokumento ang mga nakuhang mangrove crablets na halos kasing laki lamang ng langaw na nagkakahalaga ng P80,000.

Ang nasabing mga mangrove crablets ay galing sa bayan ng Daet at dadalhin sana sa Manila.

Sa ngayon ay tinutunton na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan na pagdadalhan ng mga mangrove crablet at posibelng maharap sa mga kasong paglabag sa Fisheries Administrative Order 264 or the Regulation on the Catching, Possession, Transporting, Selling, Trading and Exporting of Mangrove Crablets, Juvenile Mangrove Crabs and Gravid Mangrove Crabs (Scylla spp.) in relation to Section 128 (Other Violations) of the Republic Act 10654 (amended Fisheries Law).

Sinabi pa ng BFAR na kapag hindi masugpo ang walang tigil na paghuli ng mga kasing laki ng langaw na mangrove crab gamit ang push net o scissor net ay magresulta ng pagkaubos nito./Mary Anne Sapico