161 CSC personnel positibo sa COVID

161 CSC personnel positibo sa COVID

January 17, 2022 @ 2:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo ang 161 personnel ng Civil Service Commission sa COVID-19, ayon kay Commissioner Aileen Lizada.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Lizada na base ito sa pinakabagong datos galing CSC central at regional offices.

“More or less, we have 161 positive po and awaiting ho kami doon sa ibang close contact or ‘yung naghihintay ng result ng swabbing so ‘yun ho ang aming minomonitor. Right now, we are 161 positive,” ani Lizada.

Sa ngayon aniya ay pag-uusapan pa kung magpapatupad sila ng polisiya tungkol sa mandatory vaccination sa kanilang pamunuan.

“Magkakaroon ho kami ng commission meeting twice ngayong week, if I’m not mistaken naka-agenda na po ‘yan so we are finalizing our policy on this one.”

Samantala, suportado naman ng opisyal ang mandatory testing sa government employees.

“Kukunin ho sa MOOE (maintenance and other operating expenses) ninyo so kung mayroon kayong teams, Team A, Team B, puwede ho kayong magtesting, let’s say every two weeks kung kailan ho ‘yung palitan ng next team natin.”

“So let us be preventive and protective as well so at least assured kayo na lahat ho ng nandoon sa inyong bubble ay safe po at di tayo makakahawa sa ibang tao,” paliwanag pa ni Lizada. RNT/FGDC