162 arestado sa paglabag sa election gun ban- PNP

162 arestado sa paglabag sa election gun ban- PNP

January 17, 2022 @ 7:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na 162 na ang naaaresto sa paglabag sa election gun ban na kasalukuyang umiiiral sa buong bansa.

Batay sa datos ng pulisya, 13 pang violators, kabilang ang 12 sibilyan at isang tauhan ng Armed Forces of the Philippines, ang naaresto nitong Linggo.

Mula sa Guimaras, Bukidnon, Pasig City, Parañaque City, Mandaue City, Manila City, Negros Occidental, at Malabon City, ang mga naaresto base sa PNP.

Sa kasalukuyan, nasa 27,826 ang itinalagang checkpoints sa buong bansa sa implementasyon ng gun ban, na ipinatupad ng Commission on Elections bilang paghahanda para sa eleksyon sa May 9. Iiral ang gun ban hanggang Hunyo 8. RNT/SA