162 dagdag-kaso ng COVID, naitala ng DOH

162 dagdag-kaso ng COVID, naitala ng DOH

March 10, 2023 @ 8:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 162 bagong COVID-19 cases habang tumaas ang active tally sa 9,017.

Batay sa pinakabagong datos ng DOH, pumalo na ang nationwide COVID-19 tally sa 4,077,452.

Samantala, umakyat din ang active infections sa 9,017 mula sa 8,943 nitong Huwebes, ayon sa Health Department.

Nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 araw sa National Capital Region na may 431 infections, sinundan ng Davao Region sa 254, Calabarzon sa 200, Soccsksargen sa 127, at Northern Mindanao sa 97.

Sinabi ng DOH na umabot na rin ang recovery tally sa 4,002,247 habang ange death toll ay umakyat sa 66,188.

Hanggang nitong Miyerkules, may kabuuang 4,140 beds ang okupado at bakante ang 20,508,  habang tumaang ang bed occupancy sa bansa sa 16.8% mula sa 15.9%.

Hindi bababa sa 8,391 indibidwal ang sinuri habang 325 testing laboratories ang nagsumite ng datos, base sa DOH. RNT/SA