163 aftershocks tumama sa Masbate kasunod ng M-6.0 quake

163 aftershocks tumama sa Masbate kasunod ng M-6.0 quake

February 17, 2023 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinundan ng hindi bababa sa 163 aftershocks hanggang alas-4 ng hapon nitong Huwebes, ang magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Masbate.

“Expected na na may aftershocks na mangyayari bukod dito sa major quake,” sabi ni Adonis Dilao ng Masbate Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Inabisuhan ang mga residente na maging alerto sakaling magkaroon pa ng aftershocks.

Kasunod ng lindol, inilikas ang mga pasyente ng Masbate Provincial Hospital sa isang tent, subalit ibinalik sa ospital matapos ang inspeksyon sa pasilidad.

Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa ilang bayan matapos itong pansamantalang maputol dahil sa lindol.

Patuloy ang assessment ng Office of Civil Defense sa pinsala ng lindol sa lalawigan.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa kalamidad. RNT/SA