164 NPA member sumuko sa Mimaropa

164 NPA member sumuko sa Mimaropa

December 3, 2022 @ 2:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 164 na miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko na sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa rehiyon ng Mimaropa mula Enero hanggang Disyembre 1.

Ito ang sinabi ng Police Regional Office 4-B (MIMAROPA) nitong Biyernes, Disyembre 2.

“We are committed to sustaining the success of this campaign towards a communist terrorist group-free Mimaropa,” sinabi ni PRO-MIMAROPA chief, Brig. Gen. Sidney Hernia, sa isang pahayag.

Ang pinakahuli sa mga sumuko ay ang dalawang miyembro ng NPA sa Oriental Mindoro nitong Huwebes, Disyembre 1 na kinilalang sina “Ka Gringo”, 27-anyos at “Ka Jimbo”, 33 anyos kapwa miyembro ng
Platoon SERNA of Kilusang Larangang Gerilya – Mark Anthony Velasco sa ilalim ng Lucio de Guzman Command ng Sub-Regional Military Area 4D, Southern Tagalog Regional Party Committee.

Boluntaryong sumuko ang mga ito makalipas ang serye ng talakayan kasama ang 403rd B Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4-B, na pinangungunahan ni Lt. Sherwin Ramirez, sa Barangay Cabalwa, Mansalay.

Ani Hernia, ang mga surrenderers ay nasa kustodiya na ng 403rd B MC para sa debriefing at pagbibigay ng tulong sa mga ito sa ilalim ng Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

“All those who surrendered can avail of the E-CLIP for their reintegration to the community and will be receiving livelihood program and cash aid from the government,” aniya. RNT/JGC