164 patay, 3,458 dagdag-kaso ng COVID sa 1 linggo-DOH

164 patay, 3,458 dagdag-kaso ng COVID sa 1 linggo-DOH

January 3, 2023 @ 7:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumaba mula Disyembre 26 hanggang Enero 1,2023 ng  39 porsiyento ang daily average ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Sa 812 na daily infection na naitala mula Dis.19 Hanggang 25,2022 bumaba ang bilang sa 494 nitong nakaraang linggo.

Ang pinakahuling case bulletin ay nagpakita ng 3,458 bagong kaso at 164 na na-verify na pagkamatay.

Sa karagdagang pagkamatay, sinabi ng DOH na 32 ang naitala mula Dis.19 Hanggang Enero 1.

Sa kasalukuyan mayroong 12,660 active COVID-19 infections ang Pilipinas.

Sa kabuuang bilang mula nang ideklara  ang pandemic noong Marso 2020, umabot na sa mahigit 4 na milyon ang kaso at mahigit 65,000 pagkamatay.

Sa parehong pitong araw na panahon, tatlong kaso ang idinagdag sa tally ng severe at critical na impeksyon, na bumaba rin sa 433 mula sa nakaraang linggo na 516.

Mayroon lamang 16.2 percent o 350 lang sa 2,155 intensive care unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 16.2 percent o 350 sa 2,155 non-ICU beds din ang ginagamit.

Ayon pa sa DOH, humigit-kumulang 73,775,259 o 94.46 porsiyento ng target na populasyon ng bansa (78,100,578) ang nabakunahan laban sa Covid-19, kabilang ang 79.45 porsiyento ng 8,721,357 senior citizens hanggang noong Enero 2.

Nitong Enero 1, kabuuang  21,169,446 ang nakatanggap na ng kanilang booster shots mula sa mga ganap nang bakunado na populasyon.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)