168K batang edad 5-11 nakarehistro na sa COVID vaccination sa LGUs – DOH

168K batang edad 5-11 nakarehistro na sa COVID vaccination sa LGUs – DOH

January 29, 2022 @ 1:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 168,355 batang may edad lima hanggang 11 ang nakarehistro sa pagbabakuna laban sa COVID sa kani-kanilang local government units, ayon sa Department of Health.

“Hindi ibig sabihin na naka-concentrate o sila lang ang bibigyan. Ine-expand natin ito habang dumadami ang bakuna na dadating sa ating bansa,” ani health undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

“Hindi kagaya ng 12 to 17 na nauna ang may comorbidity, gusto natin mas mabilis ang bakunahan, kaya pagsasabayin natin ang pagbakuna ng may comorbidity at walang comorbidity,” paliwanag pa ng opisyal.

Taliwas naman ito sa pahayag ni National Task Force against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na prayoridad ang mga edad lima hanggang 11 na may sakit.

Kakailanganin naman ng medical certificate para sa mga batang may sakit at proof of relationship sa kanilang kasama sa vaccination centers.

Habang ang mga nasa edad pito pataas ay papipirmahin ng consent tungkol sa isasagawang pagbabakuna. RNT/FGDC