17.6M PhilIDs idideliber na-Malakanyang

17.6M PhilIDs idideliber na-Malakanyang

August 25, 2022 @ 9:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – TINATAYANG 17.6 milyong Philippine Identification (PhilID) cards ang nakatakdang i-deliver sa mga registrants sa buong bansa.

Inanunsyo kasi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may 17.6 million printed PhilIDs ang tinurn over na sa Philippine Postal Corporation (Post Office).

“As of August 23, the PSA has transferred to the Philippine Postal Corporation (PhilPost) some 17.6 million physical National ID cards for delivery to the residences of ID applicants,” ayon sa ipinalabas na kalatas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Layunin ng PSA na magpalabas ng kabuuang 50 milyong PhilIDs sa pagtatapos ng 2022.

Ani Cruz-Angeles, kumpiyansang inihayag ng PSA na mami-meet nito ang target na makapag-deliver ng 30.1 million physical PhilIDs at makapagpalabas ng 19.9 million digital national IDs bago matapos ang taon.

“The Philippine Statistics Authority is confident that it could meet the year-end target of [releasing] 30.1 million printed national identification cards and the 19.9 million digital ID cards which are printable,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ipinagbigay-alam naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa Malakanyang na sa nakalipas na 11 araw, ang daily average ng physical cards na ipo-produce ng Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) printing facilities ay 103,000 kada araw.

“The daily production is above the PSA’s daily target,” ayon kay Balisacan sa isinumite niyang report sa Malakanyang.

“PSA is making considerable progress to hit the end-year target of 30.1 million physical Phil ID cards, which is 58 percent of the over-all target,” Balisacan, who heads the National Economic and Development Authority (NEDA),” anito.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11055 o Philippine Identification System (PhilSys) Act, “the PhilID shall be accepted and recognized for government and private transactions, and shall be considered as an official and sufficient valid proof of identity for all Filipino citizens and resident aliens.”

Ang PSA, attached agency ng NEDA, ay tumatayong implementing agency na responsable sa “overall planning, management, at administration” ng PhilSys, central platform ng gobyerno para sa lahat ng mamamayan at resident aliens ng Pilipinas, base sa RA 11055. Kris Jose