17-anyos arestado sa baril-barilan sa Navotas

17-anyos arestado sa baril-barilan sa Navotas

October 12, 2022 @ 12:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Arestado ang isang 17-anyos na grade-9 student matapos pagbantaan ang tatlong menor-de-edad din na lalaki habang may bitbit na isang baril-barilan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat na isinumeti ni PSSg Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Ollaging, habang naglalakad sa kahabaan ng Gulayan St., Brgy San Jose dakong alas-9:30 ng gabi ang tatlong biktima na pawang menor-de-edad nang lapitan sila at sa hindi malaman na dahilan ay minura at pinagbantaan sila ng suspek sabay naglabas ng baril at itinutok sa kanila.

Makalipas ang ilang sandali, tumakas ang binatilyo patungong Gov. Pascual at dumaan sa harap ng Brgy Hall ng Brgy San Jose kung saan nasaksihan ng mga tanod ang kaguluhan kaya hinabol nila ang suspek.

Nang mapansin nila na may bitbit itong tila isang baril ay humingi ng tulong ang mga tanod sa Navotas City Action Center at inireport ang pangyayari saka ipinagpatuloy nila ang pagtugis sa binatilyo.

Pagsapit sa Santiago St., naabutan ng mga tanod ang binatilyo at napansin nila na isang gun replica ang hawak nito kaya nilapitan nila ito at sa presensya ng mga tauhan ng Sub-Station 3 ay inihagis sa semento ng suspek ang gun replica para sumuko.

Gayunman, bigla na lamang sumugod ang mga bystanders sa lugar at pinagtulungan kulatahin ang binatilyo at nang maawat ng mga tanod ay dinala nila ito sa himpilan ng pulisya, kasama ang nakumpiska sa kanya na isang .38 revolver replica para sa investigation at disposition. (Boysan Buenaventura)