17-anyos, isa pa timbog sa P2.8M ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

17-anyos, isa pa timbog sa P2.8M ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

January 30, 2022 @ 3:09 PM 8 months ago


Bulacan-Arestado ang dalawang indibiduwal kabilang ang isang 17 anyos na lalaki matapos mahulihan ng P2,800,000.00 iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod Malolos.

Kinilala ni Bulacan Police acting director PCOL Rommel Ochave ang suspek na si Archie Sabado, 32, residente ng Bongabon, Nueva Ecija at isang 17 anyos ng San Andres, Cainta, Rizal.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Malolos City police station laban sa mga suspek bandang 10:00 pm nitong Sabado, Enero 29 sa Brgy. Panasahan.

Ayon sa imbestigasyon,nabilhan ng police poseur buyer ng isang large brick na pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana ang mga suspek kaya inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang 20 bricks na pinaghihinalaang marijuana na may Dangerous Dangerous Drug Board value na P2,800,000.00, cellphones, sasakyan at buy-bust money.

Samantala ,arestado rin ng mga awtoridad nitong hapon ng Sabado sa isang drug den sa Brgy.Minuyan Proper San Jose Del Monte ang limang High Value Targets (HVT)sina Arturo Trinos, 49, Norilyn Mariano, 43, isa pang 17 anyos na babae, Annalyn Dupra at Sanny Bernardo, 46 kapwa residente sa naturang lugar

Nakumpiska sa nalansag na drug den ang 12 heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 50 grams at may estimated value na P400,000.00 at mga paraphernalias.

Kapwa nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang ang minor ay ipinaubaya sa kostudya ng Malolos CSWDO. Dick Mirasol III