17-anyos natroma sa kawatan

17-anyos natroma sa kawatan

September 16, 2022 @ 3:42 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – LABIS na takot ang naramdaman ng isang grade 12 student matapos tutukan ng kutsilyo ng kawatan at kinuha ang cellphone nitong Miyerkules sa Quezon City.

Nanginginig pa sa takot ng dumulog ang 17-anyos na binatilyo sa tanggapan ng Quezon City Police Department Station 8 para ipa-blotter ang insidente.

Base sa kuha ng CCTV footage ng Barangay Masagana, Quezon City, hapon ng Miyerkules naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada habang nagte-text sa kanyang cellphone ng bigla na lamang siyang akbayan ng hindi pa kilalang suspek at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Kwento ng biktima, pilit sa kanyang kinukuha ang cellphone na nagkakahalaga ng P17,000.00 na regalo pa sa kanya ng kanyang magulang sa nalalapit niyang kaarawan.

Sa takot ng patayin siya ng suspek ay hindi na ito nag-alinlangan pang ibigay ang cellphone.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para sa agaran ikadarakip sa suspek./Mary Anne Sapico