17 Chinese national na-deport sa illegal online gambling – BI

17 Chinese national na-deport sa illegal online gambling – BI

November 16, 2022 @ 5:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Na-deport na ang ikatlong batch ng Chinese national na arestado sa pagkakasangkot sa illegal online gambling, nitong Miyerkules ng hapon, ayon sa Bureau of Immigration.

Inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na 17 indibidwal sakay ng Philippine Airlines flight ang tumulak sa Wuhan, China.

Sinabi ni Tansingco na mahigpit na binabantayan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang implementasyon ng deportasyon.

“Those deported are automatically included in the BI’s blacklist, effectively barring them from returning to the Philippines,” pahayag ng BI.

Ang unang batch na binubuo ng anim na Chinese ay pinauwi noong Oktubre habang 21 naman ang na-deport ngayong Nobyembre.

Mahigit 300 foreign nationals ang nakatakdang pauwiin. RNT/SA