17 Chinese nat’l ipinadeport na ng BI

17 Chinese nat’l ipinadeport na ng BI

November 17, 2022 @ 7:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang labing-pitong Chinese nationals.

Ito ang inanunsiyo ni BI Commissioner Norman Tansingco kung saan ang nasabing grupo ay isinakay sa Philippine Airlines flight patungong Wuhan, China at ito na ang pangatlong batch na nahaharap sa kasong online gambling na pina-deport.

Matatandaan na noong Oktubre ay anim na Chinese national at nitong Nobyembre 2 ay 21 ang pina-deport.

Ang pina-deport na 17 na Chinese national ay kabilang sa 300 na dayuhan na nakatakdang ipadeport ng BI matapos na maaresto dahil sa illegal online gambling.

Ang mga pina-deport ay awtomatikong kasama sa listahan ng blacklist ng BI at hindi na kailanman makakabalik ng Pilipinas. JAY Reyes