17 ex-NPA member nagbalik-loob sa gobyerno, ipinakilala

17 ex-NPA member nagbalik-loob sa gobyerno, ipinakilala

November 9, 2022 @ 6:21 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 17 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)
ng pangkabuhayan, food packs at iba pang tulong matapos magbalik-loob sa pamahalaan.

Ang mga kabataang surrenderees ay kabilang sa mga nagsasagawa ng mga pag-aaklas laban sa pamahalaan upang manghikayat sa mga kabataang mag-aaral na sumapi sa kanilang grupo upang labanan ang gobyerno.

Sa isinagawang pagpapakilala sa NCRPO Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City dumating ang ilang kinatawan ng DSWD upang umalalay sa mga kabataang miyembro ng makakaliwang grupo na nagbalik-loob sa pamahalaan upang bigyan sila ng ayuda sa kanilang pagbabagong buhay.

Sinabi naman ni PBGgen Jose Hidalgo Jr. kinatawan ni NCRPO Chief PBGEN Jonnel Estomo, hindi nila itinuturing na kalaban ang mga kabataang sumama sa mga rebeldeng NPA bagkus sila ay mga biktima na nilason ang kanilang kaisipan para sumama sa bundok at humawak ng armas para makipaglaban.

Subalit kailangan nilang protektahan ang kanilang mga sarili ayon kay Hidalgo at gampanan ang kanilang tungkulin para ipagtanggol ang taong bayan laban sa mga makakaliwang grupo.

Isang si alyas Danmer sa nagpatotoo na walang mabuting idudulot sa pagsapi sa NPA bagkus ay sisirain lamang nito ang kanilang kinabukasan.

Mula sa kanilang pagbalik loob sa gobyerno, sila ay pinag-aaral at isa na siya sa magtatapos ng kolehiyo na may karangalan bilang cum laude. Cesar Morales