17 pa patay sa COVID; 307 dagdag-kaso

17 pa patay sa COVID; 307 dagdag-kaso

January 13, 2023 @ 7:19 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 307 bagong impeksyon sa COVID-19, kaya umabot na sa 4,069,147 ang kabuuang bilang ng mga kaso mula noong sumiklab ang pandemya noong Marso 2020.

Ito ang ikalimang sunod na araw na may mas kaunti sa 500 na kaso ng COVID-19 na naiulat.

Batay sa datos ng DOH, tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso sa 12,006 mula sa 11,975 noong Miyerkules.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 1,819, sinundan ng Calabarzon na may 903, Central Luzon na may 449, Western Visayas na may 314, at Cagayan Valley na may 277.

Ang recovery tally ay umakyat sa 3,991,615 habang ang death toll ay tumaas sa 65,526 na may 17 bagong fatalities.

May kabuuang 11,814 na indibidwal ang nasubok noong Miyerkules, at 332 testing laboratories ang nagsumite ng data.

Ang rate ng bed occupancy sa bansa ay nasa 19.8% noong Miyerkules, na may 5,327 occupancy at 21,615 na bakanteng kama. RNT