17 pagyanig sa Kanlaon naitala sa nakalipas na 24 oras

17 pagyanig sa Kanlaon naitala sa nakalipas na 24 oras

July 5, 2022 @ 9:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes na nakapagtala ito ng 17 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng PHIVOLCS na nagbuga ang bulkan ng usok na abot ng metro patungong northwest.

Ayon pa sa ahensya, nagbuga rin ang Kanlaon ng 151 tonnes ng sulfur dioxide nitong Mayo 1.

Ipinagbabawal pa rin ang paglapit sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) at pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan. RNT/SA