17 parak sa ‘Bloody Sunday’ raids kinasuhan ng murder

17 parak sa ‘Bloody Sunday’ raids kinasuhan ng murder

December 2, 2021 @ 7:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasong murder ang kahaharapin ng 17 pulis sa nangyaring Bloody Sunday” raids na ikinamatay ni labor leader Emmanuel Asuncion at walong iba pa.

Miyerkoles nang kumprimahin ng Department of Justice na kinasuhan ng Administrative Order 35 special investigating team ng murder ang 17 pulis sa ikinasang preliminary investigation.

Base sa inilabas na subpoena ng Dasmariñas City Prosecutor, mayorya ng mga pulis ay mula sa Calabarzon Regional Office.

Kabilang dito sina:

– PLt. Elbert Santos

– PLt. Shay Jed Sapitula

– PSMS. Hector Cardinales

– PMSg. Ariel Dela Cruz

– PSSg. Joemark Sajul

– PCpl. Ernie Ambuyoc

– PCpl. Mark John Defiesta

– PCpl. Arjay Garcia

– PCpl. Caidar Dimacangun

– PCpl. Bryan Sanchez

– PCpl. Ericson Lucido

– Pat. Jayson Maala

– Pat. Juanito Plite

– Pat. Jonathan Tatel

– Pat. Prince Benjamin Torres

– Pat. Jaime Turingan

– Pat. Lopera Rey Dacara

Pinahaharap ang mga ito sa prosecutor’s office sa Enero 11 at 25 para sa preliminary probe ang pagsusumite ng kanilang counter-affidavits.

The subpoena was dated Nov. 22, but was released to the media only on Wednesday. The implicated officers are required to appear before the city prosecutor’s office on Jan. 11 and 25 for the preliminary probe and to submit their counter-affidavits.

Si Asuncion ay miyembro ng progressive group Bagong Alyansang Makabayan sa Cavite. Kabilang siya sa siyam na aktibistang magkakasunod na pinatay noong Marso sa magkakasunod na operasyon sa Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal.

Kabilang din sa nasawi sina Michael Dasigao at Mark Lee Bacasno ng urban poor group SIKADD-Montalban, mag-asawang Ana Marie at Ariel Evangelista ng UMALPAS-KA sa Batangas, magpinsang Dumagat leaders Puroy at Randy dela Cruz mula Tanay, Rizal, at mga magsasakang sina Abner at Edward Esto mula Teresa, Rizal. RNT