17 patay 22 sugatan sa road crash sa eastern China

17 patay 22 sugatan sa road crash sa eastern China

January 8, 2023 @ 1:52 PM 4 weeks ago


CHINA – Patay ang 17 katao habang sugatan naman ang 22 indibidwal nitong Linggo, Enero 8 sa naganap na road traffic accident sa Jiangxi province, China.

“The accident caused 17 deaths, 22 people were injured, the injured have been sent to the hospital,” ayon sa ulat ng state broadcaster na CCTV.

Sa impormasyon isang major road traffic accident ang nangyari ala-1 ng madaling araw sa Nanchang County.

“The cause of the accident is under in-depth investigation,” dagdag pa ng CCTV.

Sinabi naman ng Nanchang County traffic police na nakararanas ng ‘foggy weather’ ang lugar kung kaya’t pinag-iingatan nito ang mga biyahero.

“Driving visibility is poor, there is low visibility, which can easily cause traffic accidents,” ayon sa abiso.

“Please pay attention to fog lights… slow down, drive carefully, keep a safe distance from the car in front, avoid pedestrians, do not change lanes and overtake,” dagdag pa.

Karaniwan ang mga aksidente sa China dahil sa kakulangan ng strict safety controls sa bansa. RNT/JGC