17 patay sa bus crash sa Bangladesh

17 patay sa bus crash sa Bangladesh

March 19, 2023 @ 4:28 PM 6 days ago


BANGLADESH – Nasa 17 katao ang nasawi habang 25 ang sugatan nang sumalpok ang isang bus sa harang ng kalsada bago tuluyang nahulog sa hukay sa Bangladesh.

Ayon sa pulisya, hinihinalang nawalan nang kontrol ang drayber ng bus bago tumama sa railings nang isang kakagawa lamang na expressway.

“Seventeen people have died in the accident. The injured were sent to hospitals in the region,” sinabi ni local police chief Masud Alam sa AFP.

Karaniwan ang road crash sa Bangladesh dahil sa mga luma at hindi maayos na mga sasakyan maging ang kalsada, sabayan pa ng mga hindi bihasang mga drayber.

Noong nakaraang taon lamang ay nakapagtala ang Bangladesh ng 9,951 katao na nasawi dahil sa road crash. RNT/JGC