17 patay sa matinding snow sa Japan

17 patay sa matinding snow sa Japan

December 26, 2022 @ 6:38 PM 1 month ago


TOKYO, Japan – Umakyat na sa 17 katao ang nasawi sa matinding pag-ulan ng nyebe sa Japan sa nakalipas na 10 araw.

Sa ulat, libo-libong mga tirahan din ang nakaranas ng power outage kung saan ang mga bayan sa kanlurang bahagi ng bansa ang nakaranas ng matinding pagbagsak ng snow.

Nakapagtala ng halos isang metro ng snowfall ang mga lugar ng Oguni sa northeastern Yamagata region sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa pamahalaan ng Japan, maliban sa 17 nasawi ay mayroon din na 17 nasaktan sa snow mula pa noong Disyembre 17.

Inaasahan naman na mas hihina na ang pagbagsak ng nyebe simula ngayong araw, Disyembre 26 hanggang sa mga susunod na araw. RNT/JGC