17 Pinoy sa Shanghai nakalabas na ng kwarantin

17 Pinoy sa Shanghai nakalabas na ng kwarantin

May 4, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Labimpito sa 21 Pilipino na nag-positibo sa COVID-19 sa Shanghai ang nakalabas na mula sa quarantine, ayon sa Philippine consul general doon nitong Miyerkules.

Base kay Philippine Consul General Josel Ignacio, nakapagtala ang konsulado sa Shanghai ng kabuuang 21 COVID-19 cases sa mga Pilipino sa siyudad.

“Ang cummulative cases na nasundan natin ay 21, pero ang napalabas na, ang discharged na ay 17 kaya ibig sabihin apat na lang po ang active,” ani Ignacio.

Inilahad din ni Ignacio na apat sa mga Pilipinong nasapul ng COVID-19 sa lugar ay naka-quarantine pa.

Nakasailalim sa lockdown ang Shanghai simula Marso upang tugunan ang COVID-19 outbreak doon. RNT/SA