17 probinsya sa bansa, delikado sa climate change

17 probinsya sa bansa, delikado sa climate change

February 26, 2023 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 17 probinsya sa bansa ang pasok sa top 100 areas sa mundo na delikado sa epekto ng climate change.

Ito ay ang mga probinsya ng Aurora, Cagayan, Eastern Samar, Ilocos Sur, Leyte, Northern Samar, Nueva Ecija, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Samar, Southern Leyte, Surigao del Sur, Sulu, Tarlac, at Zambales.

Ang pag-aaral ay isinagawa ng Cross Dependency Initiative (XDI) kung saan sinusukat nito ang epekto ng walong climate change hazards sa iba’t ibang probinsya at mga teritoryo sa buong mundo.

Kabilang sa mga hazard na ito ay ang pagbaha, coastal inundation, matinding init, forest fire, pagkatuyo ng lupa, mga bagyo at freeze thaw.

Nasa kabuuang 2,600 lugar ang inanalisa sa buong mundo sa naturang report.

Matatandaan na sa 2019 study ng World Bank Group, ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na banta sa climate change.

Lumabas din sa Climatelinks – global knowledge portal ng USAID staff, na highly vulnerable ang bansa sa epekto ng climate change katulad ng pagtaas sa lebel ng dagat, madalas na matitinding weather events, pagtaas ng temperatura at malalakas na pag-ulan.

“This is due to its high exposure to natural hazards (cyclones, landslides, floods, droughts), dependence on climate-sensitive natural resources and vast coastlines where all major cities and the majority of the population reside,” saad sa pag-aaral. RNT/JGC