17 sugatan sa naaksidenteng van sa Batangas

17 sugatan sa naaksidenteng van sa Batangas

December 26, 2022 @ 4:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Labing-pito katao ang sugatan matapos na mahulog sa gilid ng kalsada ang isang van sa bahagi ng San Jose, Batangas nitong Pasko, Disyembre 25.

Kabilang sa naaksidente ang limang bata na sakay ng van at ang isa ay siyam na buwang gulang na sanggol pa lamang.

Agad na isinugod ang mga sugatan sa San Jose District Hospital, Metro San Jose Medical Center at Mary Mediatrix Medical Center.

Sa ulat ni Lt. Noemi Deocalas ng San Jose police, nakiusap lamang ang mga pasahero sa driver at may-ari ng van na ihatid ang mga ito sa Mindoro.

Subalit, sa bilis ng pagpapatakbo sa naturang van ay hindi na napansin ng drayber ang kurbadang daan dahilan para mawalan ito ng kontrol at mahulog sa gilid ng kalsada.

Sa kabila nito, hindi na kakasuhan ng mga pasahero ang drayber ng van. RNT/JGC