17 tauhan ng PNP nasapul ng COVID

17 tauhan ng PNP nasapul ng COVID

March 18, 2022 @ 1:48 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes ang 17 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases, kung saan pinakamarami ang naitala noong Pebrero 22.

Nakapagtala ang PNP ng 23 COVID-19 infections noong Pebrero 22, pinakamaraming bilang sa gitna ng patuloy na pagbaba ng mga kaso sa bansa matapos makaranas ng surge ng mga kaso sa unang bahagi ng Enero dahil sa banta ng Omicron variant.

Nakapag-ulat naman ang PNP ng 17 panibagong kaso nitong Biyernes, kung kaya’t pumalo na ito sa 20.

Samantala, dalawang PNP personnel ang gumaling sa sakit, kayat umabot na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa 48,705.

Wala namang naiulat na nasawi sa COVID-19 sa hanay ng PNP also reported no new fatality. Nananatili sa 128 ang namatay. RNT/SA