17 volcanic quake naitala sa Bulkang Bulusan

17 volcanic quake naitala sa Bulkang Bulusan

November 27, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling nag-alboroto ang bulkang Bulusan makaraang makapagtala ng 17 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa volcanic earthquake ay patuloy na nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkan.

Naitala rin ang pagbuga ng mahinang usok sa tuktok ng bulkan sa nakalipas na magdamag.

Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa 4 kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib bunsod ng pagputok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa bulkan.

Ang Bulusan ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. Santi Celario