170 pamilya inilikas sa Sta. Ana, Cagayan sa bagyong Neneng – PCG

170 pamilya inilikas sa Sta. Ana, Cagayan sa bagyong Neneng – PCG

October 16, 2022 @ 3:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Sub-Station Santa Ana ang mga residente ng Santa Ana, Cagayan na apektado ng bagyong Neneng ngayong araw, Oktubre 16.
Kabilang sa mga barangay na apektado ng bagyo ay ang Brgy. Visitacion, Brgy. Sta Cruz, Brgy. Palawig, Brgy. Parada Bato at Brgy. Casambalangan.

Ayon sa PCG, isang-daan at pitumpot-isang pamilya ang inilikas at mahigit kumulang apat na daan dalawamput-tatlong individual ang nailikas sa ligtas na lugar sa kasalukuyan.

Kasama ng Philippine Coast Guard ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Santa Ana at Marines Battalion Landing Team 10 (MBLT10) sa operasyon na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden