Lalaki kulong sa pagnanakaw

January 31, 2023 @2:40 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 41-anyos na lalaki matapos na masangkot sa kasong kriminal, sa lungsod ng Tarlac, taon na ang lumipas.
Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ng Talavera police ang di-umano’y suspek na si Domingo Estrelito y Viterbo, binata, residente ng Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija.
Sa report ng pulisya, dakong 3:20 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa ikinasang manhunt charlie operation sa Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija nang pinagsanib na operatiba ng Warrant at Intelligence Section ng Talavera police station katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 303rd Memorandum Circular (MC) Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3).
Si Domingo ay inaresto makaraang magpalabas ang korte ng Alias Warrant para sa kasong Qualified Theft na may criminal case number 9111-2019 na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 63, Tarlac City, Tarlac na pinetsahan noong June 13, 2022 at natanggap umano ng nasabing istasyon ng pulisya noong September 7, 2022 at may piyansa sa halagang P72,000.
Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Talavera municipal police station. Elsa Navallo
Romualdez kumpiyansa sa target na 6M housing units

January 31, 2023 @2:31 PM
Views: 11
MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maaabot ng pamahalaan ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa kabuuan ng termino nito.
Ang pagpapahayag ni Romualdez ng kumpyansa ay kasabay ng groundbreaking ng Legacy Housing Project ng administrasyong Marcos sa Batasan Hills, Quezon City nitong Martes, Enero 31.
Ito ay bahagi ng “Pambansang pabahay para sa Pilipino” Program.
“Our target: one million housing units every year. This is an ambitious target, but I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” saad sa pahayag ni Romualdez.
Nangako rin siya na gagawin ng Kongreso ang lahat ng makakaya nito para suportahan ang mga programa ng Pangulo dahil naniniwala ito na ang pagkakaisa ang susi para maabot ang target ng pamahalaan.
Ani Romualdez, mula noong unang araw ni Marcos bilang Pangulo ay nagbigay na ito ng kautusan na makapagbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Filipino na walang sariling tirahan.
Sinabi rin niya na inaayos na ni Secretary Jose Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development ang lahat ng resources ng pamahalaan at pribadong sektor para suportahan ang housing program.
Samantala, idiniin ni Romualdez na ang Legacy Housing Project ay
“a testament how creative and innovative solutions to poverty can help to improve the lives of people in the long-term,” sabay hikayat sa mga katuwang dito na, “continue this legacy of creating opportunities for those in need and making sure that everyone in our country has access to basic necessities such as housing.” RNT/JGC
PAF muling nagpalipad ng air assets sa nawawalang Cessna plane

January 31, 2023 @2:18 PM
Views: 14
MACONACON, ISABELA – Muling nagpalipad ng dalawang air assets ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ng Philippine Air Force (PAF) upang ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang Cessna Plane lulan ang 6 na katao kabilang ang isang piloto.
Matagumpay na nakapagpalipad ang grupo ng dalawang helicopter kasunod ng pagganda ng panahon.
Ayon kay Joshua Hapinat, nagsilbing tagapagsalita ng Incident Management Team (IMT), muling iikot ang grupo para sa search and rescue sa “Site Alpha” na unang tinukoy ng grupo kung saan nakita ng mga barangay officials ang white object.
Bukod dito, sinabi rin ni Hapinat na siyam mula PNP-SAF at 11 sundalo ang isusunod na ipapadala bilang karagdagdang searchers-rescuers sa nawawalang eroplano.
Sa ngayon, sinabi ni Hapinat na umaasa pa rin ang grupo na magiging tuloy-tuloy ang magandang panahon para maikot ng grupo ang tinawag nilang “Site Alpha”. Rey Velasco
Pilipinas handa sa RCEP ratification – Castelo

January 31, 2023 @2:05 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Handa na ang bansa, at magiging kapaki-pakinabang ang ratipikasyon sa Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP).
Ang RCEP ay ang free trade deal sa mga bansa sa ASEAN kabilang ang Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand na magbibigay ng mas mababang taripa sa mga piling produkto ng mga nabanggit na bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Martes, Enero 31 na dapat maglagay ng safeguards patungkol dito, at ibinahagi rin na limitadong agricultural tariff lines lamang ang maaapektuhan kung ipatutupad na ang RCEP.
“There are only about 15 agricultural products that will be affected and these are not the basic agricultural products that we have,” ani Castelo.
“This excludes rice, sugar and corn and all the other basic agriculture products that we commonly consume,” dagdag niya.
Sa naunang pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi nito na isa ang RCEP sa isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay sa kabila ng naunang sinabi ng Pangulo na hindi siya sigurado kung matibay ang agriculture sector ng bansa para makipagsabayan dito, ngunit nangakong pag-aaralan pa niya ito ng mabuti.
Samantala, sa kabila ng pagtutol ng ilang agriculture groups, sinabi ni Castelo na handa ang bansa sa RCEP lalo pa’t isinusulong din ng Department of Agriculture ang
industrialization at modernization ng naturang sektor.
“The Philippines is ready for this and it’s going to increase actually our gross domestic product, it will increase of course job multiplication job generation and all that,” aniya.
Ayon sa mga kritiko nito, dapat na pagbutihin muna ang sektor ng agrikultura bago ito pumasok sa mas maraming foreign imports. RNT/JGC
Huling habilin ni Nora, fake news!

January 31, 2023 @1:58 PM
Views: 20