171 dagdag-kaso ng COVID; aktibong kaso nasa 9,082

171 dagdag-kaso ng COVID; aktibong kaso nasa 9,082

February 16, 2023 @ 6:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 171 bagong kaso ng coronavirus noong Miyerkules, kung saan bumaba naman aktibong impeksyon sa bansa sa 9,082.

Base sa pinakahuling bulletin ng DOH, ang kabuuang nationwide caseload ng Pilipinas ay tumaas sa 4,075,094. Sa mga bilang, kabuuang 3,999,982 ang nakarekober.

Samantala, ang bilang ng mga namatay sa bansa ay kasalukuyang nasa 65,985.

Ang Metro Manila ay nananatiling rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon sa nakalipas na 14 na araw na may 479. Sinundan ito ng CALABARZON na may 210; Davao Region na may 154; Western Visayas na may 95, at Central Luzon na may 77.

Ang antas ng bed occupancy ng bansa ay nasa mababang panganib pa rin na may 17.6% o 4,422 sa kabuuang 25,137 na mga kama sa buong bansa na inookupahan. RNT