175 bagong kaso ng COVID-19 sa Pinas naitala

175 bagong kaso ng COVID-19 sa Pinas naitala

May 15, 2022 @ 10:15 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa 3,687,922 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala nitong Sabado ang Department of Health (DOH) ng 175 na bagong impeksyon.

Bumaba naman ang aktibong kaso sa bansa sa  3,008. Ito ang pinakamababang naiulat sa ngayon sa taong ito.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa  nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 903, sinundan ng Region 4-A na may 277, at Region 3 na may 236.

Wala namang bagong COVID-deaths na naitala ayon pa sa DOH.

Samantala, kabuuang 3,624,459 pasyente  ang nakarekober na sa naturang sakit.

Ang bed accupancy rate sa bansa  ay nanatili sa  16.7 porsyento hanggang nitong Mayo 12.

Ang bilang ng mga okupadong kama  ay 5,163, habang 25,682 ang bakante.

Sinabi ng DOH na 20,026 indibidwal ang nasuri noong Biyernes, kung saan 307 testing laboratories ang nakapagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden