175 POGOs ipakakandado ng DOJ

175 POGOs ipakakandado ng DOJ

September 26, 2022 @ 6:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Justice ang pagpapasara sa 175 na mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sa televised briefing, sinabi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary na kinansela na ang lisensya ng mga POGO na ito dahil sa kanilang di-umano ay kaugnayan sa ilang mga krimen.

“Si Secretary Remulla, in-order na niya, inutusan na niya ang NBI at PNP with the assistance of PAGCOR to ensure na isarado iyong mga office ng mga ito,” ani Clavano.

“At ang mas nakakaabala dito po ay iyong mga umiikot sa social media na mga videos at saka pictures ng mga POGOs na may mga murder, may mga kidnapping, prostitution. Iyon po ang umaabot dito sa amin sa DOJ. Kaya, sir, nagpatawag si Secretary Remulla ng meeting para ipatigil na iyong ganitong behavior,” dagdag pa niya.

Nasa kustodiya naman na ng mga otoridad ang 280 Chinese nationals na nagtatrabaho mula sa mga POGO na ito.

Kung babalikan ay naging usapin ang panukala ng ilan na tuluyan nang ipasara ang mga POGO sa bansa dahil isa umano ito sa nag-aambag ng mga krimen sa bansa.

Tutol naman dito ang ilang Senador at Mambabatas at sinabing tanging ang mga illegal lamang ang ipasara. RNT/JGC