176 nalambat sa isang araw na SACLEO sa Region 2

176 nalambat sa isang araw na SACLEO sa Region 2

March 20, 2022 @ 2:30 PM 3 months ago


CAGAYAN VALLEY – Arestado ang 176 na indibidwal na sangkot sa magkakaibang kaso sa isinagawang 24-hour regionwide Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa rehiyon.

Kabilang ang mga indibidwal na ito sa mga kinasangkutang kaso gaya ng illegal drugs, loose firearms, illegal logging at mga wanted persons maging ang apatnapu’t isang (41) sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, March 15, 2022.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Arnel Tallatad, team leader ng Criminal Investigation and Detection Group ng CIDG-Santiago City ay naaresto ang akusadong si Larry Calugay, 44 anyos na residente ng Purok 2 Brgy. Caquilingan, Cordon, Isabela sa kasong  The Forestry Reform Code of the Philippines (P.D 705)  na may nirekomendang piyansang Php. 30, 000.00 para sa kanyang paglaya.

Sampung (10) katao naman ang naaresto makaraang mahulihan ng 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa P40,000.

Nadakip rin ang apat (4) na suspek at nakumpiskahan ng mga baril at nahararap sa paglabag sa kasong RA No. 10591 or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Ayon kay PMaj. Rufo Figarola Jr., hepe ng Benito Police Station ay isinuko rin ni Santos A Garduque, nasa tamang edad, Barangay Captain ng District 1, Benito Soliven, Isabela ang ipinasakamay sa kanya na shot gun na walang serial number ng kanyang ka-barangay sa himpilan ng pulisya.

Kaugnay nito, apatnapu’t pito (47) mga baril ang nakumpiska habang binubuo ng 119 na Top Most Wanted Person at 103 na iba pang indibidwal.

Samantala, pinangunahan naman ng Police Regional Office 2 ang ginawang pagsuko ng mga dating miyembro ng makakaliwang grupo, anim (6) NPA ang mula sa mga baryo at 34 ang communist supporters.

Kaugnay nito, pinuri ni PCol. Erwin Dayag, Regional Chief ng CIDG-Region 2 ang  kanyang mga Provincial Field Unit o PFU sa kanilang kontribusyon sa pagsawata sa mga kriminalidad at insurehensiya sa kanilang area of responsibility  na isang notable operational accomplishments. Rey Velasco