17,677 pang bagong kaso ng COVID naitala; 33,144 gumaling, 79 patay

17,677 pang bagong kaso ng COVID naitala; 33,144 gumaling, 79 patay

January 25, 2022 @ 4:14 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakapagtala na lamang ng 17,677 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health(DOH) ngayong Martes.

Sa pangkalahatan, umabot na sa 3,459,646 ang kaso ng sakit sa bansa na may 247,451 pa rin na aktibong mga kaso.

Sa recoveries, mayroon nang kabuuang 3,158,597 dahil sa karagdagang 33,144.

Nasa 79 naman ang bagong sumakabilang buhay kung saan umabot na ito sa total deaths na 53,598.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 bagkus ay dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa  minimum public health standards at lagi magsuot ng facemask,mag physical distancing  at kapag makaramdam ng simtoma sy agad na mag-isolate at magptest. (JOcelyn Tabangcura-Domenden)